Bureau of Immigration – pinaghahandaan na ang posi bleng epekto ng bantang mass leave sa ahensya

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (B-I) ang posibleng malaking epekto ng bantang mass leave ng mga empleyado nito dahil sa hindi naibigay na overtime pay mula pa noong buwan ng Enero.

Ayon kay B-I Commissioner Jaime Morente – may ilang empleyado na nila ang hindi nakakapasok sa trabaho dahil wala na umanong pamasahe.

Dahil dito, umapela ang B-I na dagdagan ang sahod ng mga empleyado para masolusyunan ang problema at maiwasan ang isyu ng korupsyon.


Nangako naman si Morente na hindi mapaparalisa ang operasyon sa mga International Airport dahil inatasan na nito ang 65 immigration officers na mag-report sa Sabado hanggang sa katapusan ng Holy Week.

Facebook Comments