Bureau of Immigration, umapela sa airlines na huwag pasakayin ang mga dayuhan na walang visa

Umapela ang Bureau of Immigration (BI) sa airlines na huwag magpapasakay ng mga dayuhang pasaherong papasok ng Pilipinas kapag sila ay walang kaukulang visa.

Sa harap ito ng sunod-sunod na pagharang ng BI sa mga dayuhang pasahero at pinabalik ang mga ito sa kanilang bansa dahil sa kawalan ng visa.

Bukod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), marami na ring mga foreigners ang hindi pinapasok sa international airports sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga.


Nagbabala rin ang BI na ang airlines ang sasagot sa pamasahe ng mga na-exclude na pasahero bukod sa lahat ng gastusin ng mga ito habang naghihintay ng available na flight pabalik sa kanilang pinanggalingang bansa.

Facebook Comments