Nagpaliwanag ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa pagkumpiska nila sa mga dalang sibuyas at sariwang prutas ng sampung flight attendants ng Philippine Airlines.
Ayon sa BPI, nabigo ang flight attendants na magpakita ng Certificate of Non- Coverage/PQSC/PQC at Processed Product Certificate na katumbas ng Phytosanitary Certificate (PC).
Kabilang sa shipment ng mga cabin crew ay 24 kilograms ng sibuyas at 11.5 kilograms ng lemons at strawberries mula Riyadh, Saudi Arabia at Dubai, UAE.
Nabatid na dahil sa pagkadismaya ay pinag-aapakan ng flight attendants ang mga nakumpiskang sibuyas at prutas.
Ang mga nakumpiskang shipment ay isasailalim sa proper disposal ng Bureau of Plant Industry.
Facebook Comments