Bureau of Quarantine, mas hinigpitan ang pagbabantay laban sa bagong subvariant ng COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naghigpit muli ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa pagbabantay nito.

Ito’y sa harap na rin ng mga bagong subvariant ng COVID-19 na kilala sa tawag na “FLiRT” kung saan nagdudulot ito ng pagtaas muli ng sakit sa mundo.

Sa memorandum ni BOQ Director Dr. Ferdinand Salcedo, inaatasan ang lahat ng quarantine station at iba pang ahensiya na ipairal ang heightened alert sa nasabing COVID subvariant.


Obligado rin ang lahat ng tanggapan ng BOQ na magsagawa ng masusing screening sa lahat ng point of entry sa mga dumarating na pasahero na mula sa mga bansang may natukoy na kaso ng FLiRT variants.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang publiko na sundin ang mga pag-iingat kabilang ang madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa matataong lugar at mga taong may sintomas ng flu o trangkaso.

Pinapayuhan din ang mga magkakasintomas ng COVID-19 na mag-isolate sa bahay at makipag-ugnayan sa DOH.

Facebook Comments