Bureau of Quarantine, nakikipag-ugnayan na sa airlines at airport authorities para sa screening ng mga pasahero

Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Quarantine sa airlines at airport authorities para mapalakas ang border surveillance kaugnay ng novel corona virus

Kasabay nito, pinaigting naman ang community surveillane ng Epidemiology Bureau ng DOH

Pinalakas din ng DOH ang kanilang Corona Virus Laboratory Testing Capacity, hospital preparedness, rapid response, at risk communication and information dissemination.


Tiniyak din ng DOH na mayroon nang Personal Protective Equipment sa Bureau of Quarantine, Centers for Health Development, at DOH Hospitals.

Mahigpit din ang monitoring ng DOH sa mga indibidwal na nakitaan ng sintomas ng respiratory infection lalo na ang may history ng biyahe sa China

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ngayon ng DOH sa World Health Organization at China Center for Disease Control para sa mga updates.

Hinimok din ni Health Sec Francisco Duque III ang health workers na humaharap sa mga pasyenteng may respiratory infection lalo na sa mga nagmula ng China, na maging vigilant at maging maingat.

Muli ring nagpa-alala ang DOH sa publiko na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, iwasan ang paglapit sa farm at wild animals,magtakip ng bibig kapag uubo o babahing at umiwas sa mga tao na may flu-like symptoms.

Pinapayuhan din ang mga travellers na nakakaranas ng sintomas ng respiratory illness na agad na magpatingin sa duktor.

Facebook Comments