Bureau of Quarantine sa Laoag, tumatanggap na ng mga Aplikante para sa Yellow Card o International Certificate of Vaccine

iFM Laoag – Tumatanggap na ngayon ang Bureau of Quarantine sa Laoag City sa mga aplekante na gustong kumuha ng International Certificate of Vaccine and Propylaxis.
Ayun kay Dr. Samuel Battung, Quarantine Physician ng Laoag, bukas lamang ito para sa mga taga probinsiya ng Ilocos Norte dahil limitado pa lang ang kanilang ahensiya sa pagtanggap ng mga aplikante.

Ang International Certificate ng Bureau of Quarantine kasi ang isa sa mga kailangan na dokumento ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) baga sila makapasok sa ibang bansa gaya na lamang ng Hongkong.

Upang makakuha ng sertipiko o yellow card, kailangan nilang gawin ito online sa pamamagitan ng pag log-in sa htpps://laoag-icv.boq.ph para sa online application at booking ng appointment.


Passport at iba pang supporting documents gaya na lamang ng Anti-COVID-19 vaccination card, certificate mula sa Rural Health Unit o Ospital kung saan nabakunahan. May bayad ito na P300.00 para sa documentary process at P70.00 para naman sa convenience fee. [Bernard Ver, RMN News]

Facebook Comments