Cauayan City, Isabela – Humingi ni paumanhin si Burgos, Isabela Mayor Kervin Francis Uy sa 98.5 IFM Cauayan dahil sa kanyang social media post kontra sa iFM noong gabi ng Linggo, Marso 22, 2020.
Ito ang ginawa ng alkalde sa ginawang panayam sa kanya ng 98.5 iFM Cauayan kaninang umaga, marso 24. 2020 sa palatuntunang “Straight to the Point”.
Magugunita na naging mainit na usapin sa social media dito sa lalawigan lalo ng mga FB users ng Burgos, Isabela ang impormasyong ipinoste ng iFM noong gabi ng Marso 22 na isa sa mga pasaherong nakasakayan ni PH275 ay taga sa kanilang bayan.
Si PH 275 ang kauna-unahang kaso COVID 19 sa Rehiyon Dos na isang 44 anyos na kasapi ng BFP na bumiyahe galing ng Sampaloc, Manila sakay ng Florida Bus noong Marso 10, 2020 at dumating sa Tuguegarao noong Marso 11, 2020 ng alas siyete ng umaga.
Ang Florida bus na kanyang sinakyan ay dumaan sa Isabela noong madaling araw ng Marso 11 at nakapag baba ng 14 na pasahero sa probinsiya. Isa sa mga pasahero ay natukoy na taga Burgos, Isabela.
Sa ibinahaging larawan ng bus ticket ng naturang pasahero sa FB page iFM ay umani ito ng pagkuwestion sa katiyakang tiga Burgos, Isabela ito lalo pa at di naman nadadaanan ng bus ang naturang bayan. Kasabay din ito ng pagtanggi ng Burgos IATF kaugnay sa naturang bagay sa mga oras na yaon at malamang umano ay isa na naman daw itong fake news.
Kalaunan ay tinanggal din ng alkalde ang kanyang FB post at isinunod ang pagbibigay pahayag na inaasikaso na ng kanilang bayan ang naturang pasahero pati na ang pamilya nito.
Sa panayam ay kanyang ipinaabot ang kanyang paumanhin sa nauna niyang pagbatikos sa istasyon. Ibinalita din ng alkalde na nagkaroon na sila ng pag uusap sa mga kasapi ng DOH sa Rehiyon Dos at muling nagpaalala sa kanyang kababayan na obserbahan ang mga payo ng mga doktor at mga kinauukulan upang maisawan ang pagkalat ng virus.
Sinabi pa na mainan sigurong ipagpalagay na ang kada isa ay may dalang virus para magawa talaga ang social distancing.
Malugod namang tinanggap ng iFM ang paumanhin at sinabi din an ang tanging layunin ng istasyon ay tumulong noon sa agresibong contact tracing sa mga naklasakay sa bus.
Hinangaan naman ng ilang netizen at tagapakinig ng iFM ang ginawang paghingi ng paumanhin ng naturang alkalde.