Burial assistance para sa mga pamilyang namatayan sa Luzon dahil sa Bagyong Ulysses, sinimulan nang ipagkaloob ng DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makatatanggap ng burial assistance ang bawat pamilya na namatayan dahil sa Bagyong Ulysses.

Ayon sa DSWD, bawat pamilya ay pinagkakalooban ng tig-P10,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Kabilang sa nabigyan na ng tulong pinansiyal ang mga namatayan sa probinsya ng Quirino kabilang ang tatlong pamilya sa Maddela at tatlo pa sa Nagtipunan.


Nakatanggap na rin ang dalawang pamilya sa Tuguegarao City, dalawa sa Gonzaga at isa sa Gattaran.

Karagdagan lang ito sa apat pang pamilya na una nang pinagkalooban ng burial assistance sa Alcala, Cagayan.

Facebook Comments