Burj Khalifa sa Dubai, ibinida ang watawat ng Pilipinas

Courtesy Judayne Yen

Bilang pagbibigay-pugay sa ika-121 anibersayo ng Araw ng Kalayaan, kinulayan ng watawat ng Pilipinas ang Burj Khalifa, pinakatanyag na gusali sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Dumayo ang mga OFW sa nasabing lugar para masaksihan at makiisa sa selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan.

Itinampok ng 828-meter tower ang kulay asul, pula, puti, tatlong dilaw na bituin at walong sinag ng araw. Pinatugtog rin ang Lupang Hinirang na pambansang awit ng Pilipinas.

Sa official Facebook page ng Burj Khalifa, mapapanood ang bidyo kung saan naghihiyawan at nakangiti ang mga Pinoy habang pinagmamasdan ang transformation ng pinakamataas na gusali sa buong mundo.

Ang ilan nating kababayan, ibinahagi din sa kanilang social media account ang bonggang pag-alala ng Burj Khalifa.


Ayon kay Judayne Yen, tanaw mula sa 63rd floor ng The Address Downtown Hotel ang Philippine flag lights.

Malugod din binati ni Consul General Paul Raymund Cortes ang bansa.

Mahigit 700,000 ang kabuuan ng naninirahan at nagtratrabaho sa UAE.

Facebook Comments