Burnham Park Balak Patayuan ng Mall!

246

Baguio, Philippines – Isang proposal tungkol sa pagpapatayo ng Mall-Hotel-Parking sa Burnham Park ang iminumungkahi ngayon sa lokal na pamahalaan ng Baguio.
Ayon sa ulat, nagsumite umano ang chairman ng pribadong sektor na XRC Mall Developer Incorporated na si Alexander Cruz ng 800-million mall-hotel-parking proposal na siyang magsisilbing community mall para sa mga lokal na mamamayan ng Baguio at mga turista. Ito ay magsisilbing commercial area para sa mga gustong magkaroon ng trabaho at hanapbuhay. Ang proposal na ito para sa city park ay sinasabing parte ng Master Development Plan sa ilalim ng proposed city ordinance ng lungsod.
Samantala, marami ang umalma sa nasabing proposal. hindi na raw kailangan magpatayo ng mall sapagkat lalo lang itong makakasira sa kapaligiran ng Baguio lalo na sa Burnham Park na ilang taon ng sumisimbolo sa orihinal na pagkakakilanlan sa lungsod.
Hinihikayat naman ang lahat na dumalo sa magaganap na pagpupulong tungkol sa nasabing proposed mall-hotel-parking project sa ika-6 ng Abril ngayong darating na Biyernes, 9:00 am sa Sangguniang Panglungsod Hall, City Hall.

Idol ayos lang ba sayo?


Facebook Comments