Cranapped vehicle narecover ng HPG-ARMM kagabi sa lungsod

119

Isang carnapped vehicle ang narecover ng Highway Patrol Group ng ARMM kagabi sa Notre Dame Avenue tapat lamang ng Notre Dame University. Sa panayam ng DXMY kay SP04 Taha Enok, isang kulay gray na Toyoto Vios ang nakita ng kanyang mga kasamahan na alarmado ang plaka WOG-855, ilang oras nilang hinintay kung meron sasakay sa naturang kotse subalit makalipas ang dalawang oras ay hindi parin bumabalik ang may dala ng kotse kayat itoy binuksan na lang ng mga pulis. Ayon kay SPO4 Enok, taga Pasay city ang may ari ng sasakyan, na nireport na kinarnap last year sa data base ng HPG National. Nasa pangangalaga na ngayon ng HPG ARMM ang Toyota vios habang kinontak narin ang may ari nito.

Facebook Comments