Sa unang pagkakataon, isama ng World Health Organization (WHO) ang “burnout” sa listahan ng International Classification of Diseases (ICD).
Lumabas ang desisyon habang ginaganap ang World Health Assembly sa Geneva, Switzerland nitong Martes.
“Burn-out is a syndrome conceptualized as resulting from chronic workplace stress that has not been successfully managed,” pahayag ng WHO. Resulta ito ng matagal na pagdurusa ng mga empleyadong lalo na kapag hindi pinapansin ng management ang problema.
Dagdag pa ng WHO, ilan sa mga sintomas ng burnout ay madalas mawalan ng enerhiya sa trabaho, hindi produktibo, at negatibo ang pakiramdam sa mga kaopisina.
Nilinaw ng pamunuan na hindi pasok sa classification ng “burnout” ang personal na problema sa buhay.
Facebook Comments