Nakalabas na ng ospital ang isa nating kababayan na kabilang sa mga naaksidente matapos rumagasa ang isang school bus sa North Point, Hong Kong, Lunes ng umaga.
Nangyari ang insidente matapos lumabas saglit ang driver at iniwan ang bus, dahil sa pababa ang lugar nagpadausdos ito hanggang makarating sa may King’s Road at umararo ng ilang pedestrian.
Ayon kay Consul General Antonio Morales, nakalabas na sa ospital ang isa nating kababayan kahapon habang ang isa ay kasalukuyan pang ginagamot pero nasa mabuti nang kalagayan
Siniguro naman nitong tutulong para sa atensyong medikal ng mga Filipino.
Sa nasabing insidente, 4 ang nasawi kung saan hindi bababa sa 11 ang sugatan.
Facebook Comments