BUS ACCIDENT | 20 patay sa India, matapos mahulog sa ilog ang sinasakyang bus

India – Dalawampung pasahero ang nasawi habang sampu naman ang nasaktan matapos malaglag ang isang bus sa ilog sa Indian state ng Rajasthan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus sa Madhopur District kaya ito bumangga sa bridge wall hanggang tuluyang mahulog sa ilog ang sasakyan.

Pagod, kapabayaan, pangit na mga lansangan at hindi maayos na sasakyan ang mga pangunahing dahilan kung bakit marami ang naaaksidente sa India.


Sa talaan, ang India ang may pinakamataas na road accident death toll sa buong mundo.

Halos 110,000 ang namamatay sa India dahil sa mga motor vehicle accident.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments