STUDY FIRST, LABOR LATER | Babaeng manganganak sa Amerika, trending!

Kansas, Amerika – Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang babae na hindi isinuko ang kanyang pag-aaral makapagtapos lang sa kabila ng pagdadalang tao.

Marami ang humanga at nagbigay ng suporta kay “Thomas” dahil sa kanyang matapang na pagharap sa kanyang estado at pati na rin sa suportang ibibnibigay sa kanya ng kanyang ina para sa kanyang mga pangarap.

Malapit na daw manganak ng mga oras na kuhanan ng picture si Thomas pero, imbes na indahin ang sakit ng pagla-labor, mas pinagtuunan nito ng pansin ang pag-aaral.


Hindi naman nabigo si Thomas dahil malusog niyang ipanganak si baby AJ habang nakapagtapos din siya ng kursong Psychology sa Johnson County Community College sa Kansas City.

Facebook Comments