BUS ACCIDENT | Dokumentong hawak ng LTFRB kaugnay ng kinasangkutang trahedya ng Dimple Star Bus, ite-turn over sa CIDG

Manila, Philippines – Ite-turn over ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente na kinasangkutan ng Dimple Star Bus sa Occidental Mindoro noong nakaraang Linggo.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada – bago o sa mismong araw sa March 28, ibibigay nila sa CIDG ang mga hawak nilang dokumento para makatulong sa re-investigation nito.

Kabilang aniya rito ang naging findings nila sa ginawang ocular inspection sa naaksidenteng bus.


Samantala sa April 18 naman nakatakda ang hearing ng Dimple Star sa LTFRB kaugnay sa Preventive Suspension Order na ipinataw sa 118 bus units nito.

Dito, kailangang ipaliwanag ng Dimple Star kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang prangkisa base sa nangyari.

Facebook Comments