Bus bumangga sa kubo, 17 sugatan

General Santos City – 17 katao ang sugatan sa nangyaring pagbangga ng isang bus sa isang kubo na nasa tabi ng national highway ng Malungon, Sarangani Province alas 3:30 ng hapon kahapon matapos nawalan ng control ang driver nito sa manebela.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Richard Pabalinas, hepe ng Malungon, Municipal Police Station na galing ng Gensan patungo sana ng Davao City ang bus na YBL body number 083 na minamaniho ni Michael Aninion, residenti ng Tupi, South Cotabato.

Pagdating sa Sitio Lamcanal, Barangay Malandag, Malungon, nag-overtake ang driver ng bus sa ten wheeler truck na naging dahihan na nawalan ito ng control.


Binangga nalang ng driver sa kubo na nasa tabi ng kalsada ang bus para hindi ito mahulog sa bangin.

Agad namang dinala sa magkaibang pagamutan ang mga sugatan, wala namang namatay dahil sa nasabing insidente.

Sinagot naman ng kumpanya ang lahat ng babayarin sa ospital ng mga biktima.

Facebook Comments