Magsasaka na nakunan ng P300,000 halaga ng shabu – arestado

General Santos City – Kalaboso ang isang magsasaka na si Chrysler Fulgencio Garcia , 38, matapos itong nakunan ng malaking halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang Search Operation sa Prk. Waling-waling, Barangay Malandag, Malungon, Sarangani province.

Alas 9:20 ng gabi ng isinagawa ang joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional office -12 at ng Malungon PNP sa bahay ng suspek kung saan nakunan ito ng (30) gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahagala ng P300,000.00.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Richard Pabalinas, hepe ng Malungon PNP na matapos nilang namonitor na involved sa illegal drugs ang suspek, agad nila itong isinailalim sa operasyon.


Matatandaan na una nang ideneklarang drug free ang Malungon, Sarangani pero sa kabila nito hindi parin maiiwasan na mayrong tao na maglakas ng loob na magbinta ng illegal drugs.

Facebook Comments