Bus driver na sumagi sa sasakyan ni Transportation Usec. Tim Orbos, sinuspinde na

Manila, Philippines – Suspendido ang isang bus driver matapos sagiin ang isang sasakyan at nagtangka pang tumakas.

Ang sasakyan pa na nasagi ng driver ay ang minamaneho ni Transportation Undersecretary Tim Orbos.

Kwento ni Orbos – inabangan niya ang bus sa fly-over at kinompronta ang driver.


Nang makilala ng kundoktor na si Orbos ang kanilang kausap ay biglang naging maamong tupa ang driver.

Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada – nagpapatupad na sila ng driver’s academy para magturo ng basic road courtesy, anger management at sa tamang asal sa pagmamaneho sa mga P-U-V driver.

Nangako naman ang Five Star Bus Company na didisiplinahin nila ang kanilang driver.

Facebook Comments