Bus na may sakay na dalawamput limang pasahero na na-trap sa baha sa Quezon province– nailigatas na

Quezon – Ligtas na ang dalawamput limang pasahero ng DLTB bus na may plate number na UYB 365 na umano’y nahulog sa bangin sa Atimonan, Quezon.

Sa interview ng RMN, nilinaw ni Quezon Province PNP Chief Supt. Eric Armamento na hindi nahulog sa bangin ang bus, kundi na-stranded lang ito sa baha sa barangay Viga, bayan ng Pitogo.

Ayon kay Armamento – umabot sa lagpas tao ang baha sa Gumaca-Pitogo road national highway kaya umakyat na sa bubong ng sasakyan ang mga pasahero.


Maliban sa nasabing bus, walong iba pang sasakyan na na-trap sa naturang kalsada dahil sa lalim ng baha ang nailigtas.

Facebook Comments