Magkapatid, patay sa landslide sa Taytay Rizal

Taytay Rizal, Philippines – Patay ang magkapatid na lalaki sa landslide sa barangay Dolores, Taytay Rizal dahil sa magdamag na pag-ulan.

Ayon kay Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Loel Malonzo, nasa loob ng kanilang bahay sa Hapay na Mangga, barangay Dolores, ang magkapatid na sina Jude Pundal, disi syete-anyos at Justil Pundal, katorse-anyos nang maganap ang landslide alas 4:00 ng madaling araw.

Sugatan naman sa insidente ang kanilang mga magulang at dalawa pang kapatid.


Ang pamilya Pundal ay kabilang sa mga informal settler na naninirahan sa gilid ng creek sa nasabing barangay.

Bukod sa landslide sa barangay Dolores, Taytay nagkaroon din ng paggulo ng lupa sa San Mateo pero wala namang nasaktan.

Facebook Comments