Bus nawalan ng kontrol, bumangga sa poste ng ilaw sa East Avenue

60

Sumalpok sa poste ng ilaw sa bahagi ng East Avenue sa QC  kanina ang pampasaherong bus kung saan wala namang nasaktan o nasugatan sa naturang aksidente .

 

Nangyari ang insedente  ng mawalan ng kontrol ang Safeway bus na may plate number TXG-277 na minamaneho ni  Rey Gonzaga.


 

Galing ng SM Fairview ang bus at patungo ito sa Baclaran ng mangyari ang aksidente.

 

Ayon sa salaysay ng tsuper, mabilis ang takbo ng bus pero biglang nag red light ang traffic lights sa kanto ng V.Luna at East Avenue at bago pa man makabangga ng ibang sasakyan sa unahan ay minabuti na lamang niya na kabigin sa kanan ang manibela na tuluyang sumalpok sa poste.

 

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments

From Advertisers