Bus ni Isko, lumarga sa Maynila, Paranaque at Muntinlupa

Lumarga na ang “Bus ni Isko” campaign caravan ni Aksyon Demokratiko standard bearer and Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ngayong umaga.

 

Lulan ang youth volunteers ni Domagoso, inaasahang darating ang bus sa Feli Huertas St., corner Blumentritt Street ngayong alas-8:00 ng umaga.

 

Tutungo ito sa Barangay San Dionisio sa Paranaque dakong katanghalian at tutuloy sa Muntinlupa Public Market.


 

Ang gimik ng mga kabataan, mamahagi ng mga campaign paraphernalia ni Isko, magsasagawa ng sine caravan at free t-shirt printing.

 

Layunin ng mga youth voluneers ni Isko na isulong ang kandidatura ni Domagoso na may malinaw na plano para sa kabataan.

Facebook Comments