Inaasahan na ng mga bus terminals sa Dagupan City ang dagsa ng mga biyahero sa mga susunod na araw bunsod ng Semana Santa.
Ayon sa isang bus terminal, posibleng sa Miyerkules pa magsisi uwian ang mga pasahero sa mga probinsya bago ang simula ng long weekend.
Inaasahan rin umano nila ang mas maraming bilang ng biyahero ngayon kung ikukumpara noong nakaraang taon dahilan ng puspusang paghahanda sa seguridad at matiwasay na operasyon ng bawat bus na ba-byahe.
Tiniyak ng mga terminal masters ang maagap na paghahanda sa pagbabalik ng mga pasahero pagkatapos ng Holy Week. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments