BUS TERMINALS SA PANGASINAN, DINAGSA KAHAPON

Dinagsa ng mga biyahero ang ilang bus terminal sa Pangasinan kahapon, matapos umuwi upang bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay nitong Undas.

Naabutan ng IFM News Team ang mga biyaherong nag-aabang sa isa sa mga bus terminal sa Alaminos City, umaasang makahanap ng bakanteng upuan sa mga dumarating na bus.

Ayon sa pamunuan ng terminal, namimigay sila ng number stub sa mga pasahero para maayos ang pila at makakuha ng slot sa mga bakanteng upuan.

Tiniyak naman nila na sapat ang bilang ng mga bus para maihatid ang mga biyahero, gayundin ang kanilang seguridad at kalagayan habang naghihintay.

Maging sa Dagupan City Terminal, kinumpirma rin na may sapat na mga bus na bumabyahe para maihatid ang mga pasahero sa kanilang mga destinasyon.

Siniguro naman ang kapakanan ng mga bus driver at konduktor para sa ligtas na biyahe sa kalsada.

Facebook Comments