Business agreements na lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore kaugnay ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakalinya sa mga priority area ng administrasyon

Pasok ang mga nakatakdang lagdaang business agreements ng Pilipinas at ng Singapore na magaganap sa dalawang araw na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Singapore.

Sakop ito ng mga proyekto ng Marcos administration na may kinalaman sa priority projects nito kabilang na ang pagpapatuloy ng proyektong imprastraktura sa nakaraang Duterte administration na Build, Build, Build.

Maliban sa infrastructure, kasama rin sa inaasahang malalagdaan ang business agreements hinggil sa renewable energy, food and security, fertilizer importation at iba pa.


Ang mga inilinyang business agreements ayon na din sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay inilatag sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) na magiging bahagi ng dalawang araw na state visit ni Pangulong Marcos na magsisimula ngayong araw.

Tatagal ang state visit ng Pangulo hanggang bukas, Setyembre 7.

Facebook Comments