Tulad ng ibang negosyo na ating na-feature sa Business As Usual, nagsimula ang Alberto’s Steakhouse sa Valenzuela City noong kasagsagan pandemya.
Kwento ni Albert Bryan Briñas sa Business As Usual segment ng Usapang Trabaho, owner ng Alberto’s Steakhouse mahigit 10 taon siyang BPO employee at isa siya sa mga na-layoff sa trabaho dahil sa pandemic.
Ayon kay Briñas, para maka-survive ay naisip nilang buhayin at ipagpatuloy ang legacy ng kanilang pamilya bilang isa sa mga pioneer steakhouse sa Valenzuela.
At dito na nga nila nabuo ang Alberto’s Steakhouse na hinango sa kanyang pangalan ang branding name.
Sa una aniya, napakaraming challenges ang kanilang kinaharap dahil sa papalit-palit na Alert Level at limitado lamang ang customer na pwede nilang i-cater.
Samantala, nagpasalamat naman si Briñas at naimbitahan silang magbahagi ng kanilang kwento sa RMN DZXL 558 kung saan nadiskubre ito ng ating Radyo Trabaho team nang minsan umattend sa PESO Valenzuela Job Fair.