3 biktima ng human trafficking, nasagip ng PCG

72

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlo katao na hinihinalang biktima ng trafficking in person sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa PCG, sakay ang tatlong biktima sa isang commercial passenger vessel at patungo sana ng Tawi-Tawi nang maharang ng Coast Guard personnel.

Kabilang sa mga biktima ay isang siyam na taong gulang na batang lalaki, isang 44-anyos na babae at isang 37-anyos na lalaki.


Ayon sa mga biktima, ni-recruit sila para dalhin sana sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng backdoor channel.

Facebook Comments