Business center kung saan magba-bayad ng buwis ang mga taga QC, nadagdagan pa

Hindi na kailangan pang pumila sa loob ng Quezon City hall ang mga magbabayad ng buwis at kumuha ng ilan pang mga serbisyo para sa publiko.

Ito ay dahil maaari nang magpa-assess ng real property tax at magbayad ng buwis maging ang pagkuha ng cedula sa Robinson’s mall sa Novaliches at Ali mall sa Cubao.

Ito ang tugon ng lokal na pamahalaan para hindi na mahirapan pa ang  mga residente na maka access sa lungsod.


Ayon kay City Treasurer Ed Villanueva, inaasahan na rin ng city government sa mga  residente  at mga negosyante na makapagbayad na ng kanilang buwis sa itinakdang panahon.

May apat na business centers pa sa lungsod ang nakatakdang buksan ng lgu sa susunod na dalawang linggo.

Facebook Comments