Business confidence ng bansa, umangat nitong 2nd quarter ng taon

Manila, Philippines – Tumaas ang business outlook ng Pilipinas sa ikalawang yugto ng 2019.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor Francisco Dakila Jr. –tumaas ang confidence index mula sa 35.2% noong first quarter sa 40.5% nitong second quarter na dulot ng pagtaas ng demand nitong summer season.

Kasabay din nito ang harvesting period, pagtaas ng gastos nitong halalan, pagtaas din po ng produksyon at patuloy na proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.


Nagkaroon naman ng pagbaba sa confidence index mula sa -0.5% noong first quarter at naging -1.3% na nitong second quarter.

Facebook Comments