Hiniling ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa gobyerno na maglabas ng guidelines para mapabilis ang pagbili ng pribadong sektor ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ito ay makaraang payagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga private companies na bumili ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., masaya sila sa desisyon ng pangulo pero hindi pa malinaw sa kanila kung paano ito ipatutupad.
Aniya, mas magiging mabilis ang pagbili ng bakuna ng private sector kumpara sa gobyerno dahil nakahanda na ang kanilang pondo para rito.
Samantala, ilan sa mga miyembro ng ECOP ay nag-inquire na sa mga producer ng Novavax at Sinovac.
Facebook Comments