PUVs, hindi sakop ng curfew – DOTr

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi sila nagpatupad ng restrictions sa pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nakasailalim sa isang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Paliwanag ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, hindi sila nagbawas o naghigpit sa mga public transport, sa halip ay pinaalalahanan lang ang mga ito na istriktong ipatupad ang health protocols.

Dapat din aniyang tiyakin ng mga pampublikong sasakyan na tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lang ang kanilang pasasakayin.


Bukod dito, nilinaw rin ni Libiran na hindi sakop ng curfew sa NCR Plus bubble ang mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments