Manila, Philippines – Isang 13-anyos na lalaki ang sobrang hinahangaan ngayon ng mga kabataan
Sa murang edad kasi ay aakalain niyo bang nakapagtayo na si Jeremy Lee ng sarili niyang pizza parlor!
Kwento ni Lee, 10-years old siya nang ma-in love sa pizza, kaya pinangarap na niyang magkaroon ng sariling pizza parlor.
Nagbasa siya ng mga recipe books, nanuod ng tutorial videos sa Youtube, at nag-experiment sa kusina.
At nito ngang August 22, 2017 nang maitayo niya ang kanyang pizza parlor sa The Swagman Hotel Manila sa Ermita, sa tulong na rin ng kanyang pamilya.
Pero dahil bata pa, ini-hire niyang mga manager ang mga nakatatanda niyang kapatid.
Labing-apat na flavors ng pizza ang ino-offer niya gaya ng shawarma, blt, burger pizza, meat lovers, at hawaiian.