Business One-Stop Shop sa Taguig, umarangkada na

27

Umarangkada na sa Lungsod ng Taguig ang kanilang offsite payment center para sa ligtas, mabilis at maginhawang pagpoproseso ng renewal payment ng mga negosyo.

Opisyal na nagbukas ang Business One-Stop Shop (BOSS) 2021 ng Taguig nitong Enero 4 para i-accommodate ang business renewal transactions ng mga negosyante sa lungsod.


Matatagpuan ang BOSS 2021 sa Vista Mall Parking Building na bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Aabutin hanggang Enero 20 ang pagbabayad ng buwis para sa renewal ng mga negosyo kung saan bukas din ang BOSS ng Sabado at Linggo.

Pinatitiyak naman ng lungsod na bago magpunta ay kailangang kumpleto ang mga negosyante sa requirements para sa business renewal.

Mahigpit naman ang pagpapatupad ng minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face shield, face masks, pagdadala ng sariling ballpen, pagsunod sa 1-meter physical distancing at pagdadala ng alcohol o hand sanitizer.




Mayroon namang itinakdang express lane para sa mga Senior Citizens, Pregnant Women, at Persons with Disabilities (PWDs).

Dagdag din dito ang pagkain at inumin habang hinihintay ng mga business owners ang pagpoproseso ng kanilang mga dokumento.

Facebook Comments