Libreng mass swabbing sa Malabon, tuloy ngayong 2021

31

Patuloy ang isinasagawang libreng mass swabbing para sa mga Malabonian ngayong taon.

Ito ay sa pangunguna ng City Health Department, Ospital ng Malabon, Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Department of Health (DOH), Philippine National Red Cross (PNRC), at Philippine Coast Guard (PCG).


Ayon kay Ospital ng Malabon Chief Nurse Matt Torrefiel, mahigit 10-porsyento na ng populasyon ng Malabon ang kanilang na-swab simula noong Agosto 2020.

Para sa mga nagnanais na magpa-swab sa Malabon, makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Teams at barangay health centers.

Facebook Comments