BUSINESS REPORT | DOF at DTI, nanawagan sa World Bank

Manila, Philippines – Hiniling ng Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) sa World Bank na itama ang 2019 Ease of Doing Business Report.

Lumabas kasi sa report na bumaba sa 11 ang ranking ng Pilipinas.

Base sa joint statement ng dalawang ahensya, binigyang diin nila ang agarang pagwawasto sa report.


Posible anilang makompromiso ang magandang imahe ng bansa sa investment community lalo at ginagamit na itong batayan ng mga investors at iba pang survey organizations.

Giit ng DOF at DTI, nabigo ang World Bank na isama ang ilang credit bureau sa kanilang data gathering na naging dahilan ng pagbaba ng puntos ng Pilipinas sa getting credit indicator.

Nakapagtataka pa anila na malaki ang ibinaba ng getting credit score ng Pilipinas sa 2019 gayung patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Facebook Comments