Business tycoon na si Danding Cojuangco, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 85 ang business tycoon at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Conjuangco.

Kagabi nang pumanaw sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig si Cojuangco dahil sa lung cancer.

Si Cojuangco ay ang chairman at CEO ng San Miguel Corporation at dating ambassador ng Pilipinas sa Amerika.


Dati rin niyang pinamunuan ang National People’s Coalition Party kasabay ng pagtakbo nito sa pagkapangulo noong 1992 pero natalo kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Facebook Comments