‘Call Center, Walang Nakapkap na Droga sa Katawan’- Kap. Bual

Cauayan City, Isabela- Itinanggi ni Kapitan Teresa Bual ng Barangay Alicaocao na wala talagang nakuha na kahit anong kontrabando sa mismong katawan ng suspek matapos ang ginawang pagkapkap ng operatiba.

Ayon kay Kapitan Bual, tinawag lamang sya sa kanyang opisina sa barangay para saksihan ang nangyaring insidente ng umano’y bentahan ng droga sa kanyang lugar.

Aniya, pagdating niya lugar ay may nakita itong isang bag na nasa 1 kilometro ang layo na pag-aari umano ng suspek subalit hindi pa ito binubuksan ng mga operatiba.


Giit pa ni Bual, inilatag ang mga laman ng bag ng suspek at tumambad ang isang P500, dalawang damit, pantyliner at isang maliit na pakete ng plastic na posibleng naglalaman ng droga.

Una nang umani ng samu’t saring komento at reaksyon sa social media ang pagkakahuli sa suspek dahil sa umano’y planted ang mga ebidensyang nakuha sa pag-aari nitong bag.

Facebook Comments