Businessman, Huli sa Pagbebenta ng overpriced na Alcohol sa Cagayan

84

*Cauayan City, Isabela*- Huli ang isang negosyante sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad pasado 11:40 kahapon sa Brgy. Bulala, Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Dyril Kleine Dacanay, 31 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Camalaniugan Police Station, nakatanggap sila ng sumbong na may ibinebentang sobra sobra sa presyo ng alcohol sa lugar kaya’t agad na ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Monitoring Hording Overpricing.

Nakumpiska sa suspek ang sampung (10) piraso ng 1-liter ng Isopropyl Rubbing Alcohol na nagkakahalaga ng P320.00 bawat isa at hindi nakatakda sa Suggested Retail Price (SRP) at buy-bust money na nasa halagang P3,000.00

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 11469, RA 10623 at RA 7394 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments