Marines patay 12 iba sugatan sa Vehicular accident sa Maguindanao

180

Dead on the spot ang isang elemento ng Philippine Marines habang labing dalawang miyembro ng 2nd MBLT ng Philippine Marines ang sugatan matapos nasangkot sa isang vehicular accident bandang alas nuebe ng umaga kanina sa Barangay Alamada sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP, sakay ng KM Truck ang mga marines patungo ng Pigcawayan Area para mamalengke ng mangyari ang aksidente.Habang binabaybay ng mga ito ang National Hiway ay biglang pumutok ang gulong ng truck at nawalan ng control ang driver nito.
Nakilala ang nasawi na si Cpl. Mitra Anthony Sucaldito at sugatan naman sina PFC Neil Patrick Ingreso (driver), Cpl. Jared Sugagil, Cpl. Joel Lagos, Cpl. Marvin Gatchalian, Cpl. Robert De Asis, Cpl. Ian Campo redondo, Cpl. Jordan Cellio, PFC Jesrel Ambat, Cpl. Ryan Ignacio, PFC Harve Fabro, Aivan Figueroa, at Cpl. Cedrick Javares.
Agad namang nagresponde ang Pigcawayan Municipal Health Office at Sultan Kudarat LGU at dinala sa pagamutan ang mga sugatang marines.

Facebook Comments