Busterminal sa Dagupan City nagdagdag ng bus para sa undas

Nagdagdag na ang ilang bus terminal sa Dagupan City ng mga karagdagang bus na babiyahe para sa paggunita ng Undas 2019.
Ayon kay Ellie Merra, bus dispatcher ng isang terminal sa lungsod karagdagang 20 unit ng bus na mayroong special permit ang idingadag ng kanilang kompaniya.
Dagdag pa nito, na kada 20 minuto ang interval ng mga bus.
Kasado din ang seguridad ng ilang bus terminal na may mga K9 unit na umiikot maging ang karagdagang guwardiya.
Samantala, normal pa sa ngayon ang operasyon ng mga terminal ng bus sa lungsod.
###

Facebook Comments