Bustos dam sa Bulacan, nagsimula nang magpakawala ng tubig dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay

Nagpakawala ng tubig ang Bustos dam para maiwasan ang pag-apaw nito dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay.

Sa advisory ng National Irrigation Administration (NIA) nitong alas-12 ng tanghali , inumpisahan na ang pagpapalabas ng tubig sa Bustos dam.

Abot sa 184 cubic meters per second ang naging water discharge.


Itoy matapos na umabot sa 16.95 meters ang water level sa dam.

Nitong alas-12 ng tanghali, binuksan na ang gate 3 ng dam at nagpakawala ng tubig na 72 cubic meters per second.

At nitong 1pm, binuksan ang gate 1 at 2 at nagpakawala ng tubig na 112 cubic per second.

Facebook Comments