864,000 pedia doses ng Pfizer vaccine, dadating sa NAIA mamayang gabi

864,000 pedia doses ng Pfizer vaccine ang dadating mamayang gabi sa NAIA 3.

Ang naturang mga bakuna ay bahagi ng 2 million doses na donasyon sa Pilipinas ng Australian government.

Alas nuwebe mamayang gabi dadating sa NAIA ang mga bakuna sakay ng Air Hong Kong.


Kabilang sa mga sasalubong sa bakuna ang mga tauhan ng DOH at ng Australian Embassy sa Pilipinas.

Bukas, araw ng Huwebes at sa Biyernes dadating ang mahigit isang milyon pang doses ng bakunang donasyon ng Australia.

Facebook Comments