
CAUAYAN CITY- Arestado ang isang indibidwal matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Lullutan, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Solomon”, 31-anyos, at residente ng Brgy. Cabannungan 1st ng nasabing lungsod.
Sa operasyon, narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.12 gramo, buy-bust money, at cellphone.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Ilagan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments