
CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng Job Fair ang Department of Migrant Workers Regional Office 02 at Isabela 3rd Congressional District Office sa Alicia, Isabela sa ika-10 ng Abril.
Ang caravan na ito ay layong matulungan ang mga indibidwal na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Kinakailangang magdala ng updated na resume, mga kinakailangang dokumento tulad ng passport, at mga credentials ang mga interesadong aplikante.
Bukod dito, magkakaroon din ng libreng konsultasyon at serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Magsasagawa rin ng profiling ang ahensya para sa mga distressed OFWs mula sa ikatlong distrito ng Isabela na hindi pa nakakakuha ng anumang livelihood at financial assistance at hindi pa lumalampas ang tatlong taon sa bansa. Ang mga kwalipikadong OFWs ay maaaring magtungo sa lugar para sa posibilidad na makakuha ng financial at livelihood assistance.
Kinakailangan lamang na magdala ng passport with details o travel document, Departure Stamp, Proof of distress tulad ng referral mula sa Migrant Workers Office, at Proof of employment abroad.