Butcher na may Dalang Ahas, Patay Matapos Maaksidente

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos magsariling maaksidente sa kahabaan ng Sitio Grande, Barangay Sta. Cruz, Pamplona, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Geronimjo Ramos, 42 taong gulang, may asawa, butcher at residente rin sa naturang barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan at nagkaroon ang mga ito ng inuman.


Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na umuwi ang biktima dala ang binili na patay na ahas (phyton).

Habang bumabaybay ang biktima sa pinangyarihan ng insidente lulan ang minamanehong motorsiklo ay nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa mapunta ito sa mabatong kalsada na dahilan ng kanyang pagsemplang.

Nang mahulog mula sa motor ang biktima ay nadaganan ito ng kanyang motorsiklo at tumama sa kanyang ulo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng umasikasong Doktor.

Facebook Comments