Surprise Drug Test sa mga Sundalo ng 95th IB, Isinagawa

Cauayan City, Isabela- Sinorpresa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng random drug testing ang mga sundalo ng 95th Infantry β€˜Salaknib’ Battalion na pinamumunuan ni LTC Gladiuz Calilan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay LTC Calilan, biglaan ang kanilang isinagawang drug test nito lamang ika-17 ng Hulyo 2020 bilang pagtalima sa kautusan ng kanilang headquarters upang matiyak na ang lahat ng mga kasundaluhan ay disiplinado at hindi gumagamit o malinis sa illegal na droga.

Ayon kay LTC Calilan, lumabas sa resulta na lahat ng kanyang tropa na sumailalim sa drug testing ay negatibo sa ipinagbabawal na gamot.


Nagpapasalamat naman si LTC Calilan sa naging resulta dahil nagpapakita umano ito na may mataas na disiplina at propesyonalismo ang kanyang tropa.

Iginiit din ng Kumander na walang puwang sa hanay ng kasundaluhan ang sinumang sundalo na sangkot sa illegal na droga.

Facebook Comments