Buwan Ng Ramadan Para Sa Mga Kapatid Nating Muslim, Nagsimula Na Ngayong Araw

20

MANILA – Nagsimula na ngayong araw ang isang buwan na Ramadan para sa mga kapatid nating Muslim, kasunod ng moon sighting, kagabi.Ayon kay Mufti Abu Huraira Udasan ng Darul Ifta (house of opinion) para sa Maguindanao at Cotabato, namataan ang new moon sa Malaysia na tutukoy sa pagsisimula ng ramadan.Ang Ramadan ay ang ika-siyam sa 12-buwan ng kalendaryong islam at mahalagang buwan ito para sa mga Muslim kung saan nag-aayuno sila.Bilang pagsunod sa ramadan ay mahigpit ding ipatutupad ang pag-iwas sa pag-inom at marital sex.Ang ramadan ay magtatapos sa darating na Hulyo 5.

Facebook Comments