Pnp, Itinanggi Ang Pahayag Ni President Elect Rodrigo Duterte Na Mayroong Tatlong Police Generals Na Sangkot Sa Operasyo

3

MANILA – Itinanggi ng Philippine National Police na mayroong Heneral na sangkot sa ilegal na droga.Taliwas ito pahayag ni President Elect Rodrigo Duterte, na mayroong tatlong police generals na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.Ayon kay PNP Spokesperson Gen. Wilben Mayor, wala pang aktibo sa serbisyo na heneral ang napatunayang sangkot sa ilegal na aktibidad.Gayunman, kanila anyang iimbestigahan kung totoo ang pahayag ni Duterte.Sa thanksgiving party ni Duterte noong Sabado, hinamon nito ang tatlong opisyal ng PNP na magresign na umano’y dawit sa korapsyon at droga.

Facebook Comments