Santiago City, Isabela- Ilang araw na lamang ay magsisimula na ang unang selebrasyon ng Philippine Visual Arts Festival o PVAF ngayong Pebrero 1, 2018 sa lungsod ng Santiago.
Ito ay may temang “Ani ng Sining, Alab ng Sining” na pangungunahan ng Santiago City Government, Culture and the Arts and Tourism Office, National Commission for Culture and the Arts o NCCA at mga National Artist sa Sining.
Ang programa ay pwedeng salihan ng lahat ng lebel ng paaralan ng lungsod, LGU’s, National Government Agencies, Civil Service Organizations, Business Organizations, Private sectors at lahat ng barangay ng lungsod ng Santiago.
Ang bawat kalahok ay pwedeng mamili sa apat na katergorya gaya ng Mural Painting, Sculpture, Installation Arts at Performance Live Art.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Atty. Maria Victoria Gonzales-Diego ng City Information, Culture and the Arts and Tourism, layunin umano ng programa na mabigyan ng pagkakataong maipakita at maipamalas ang talento ng mga pinoy pagdating sa Sining.
Ang nasabing aktibidad ay magtatapos sa Pebrero 5, 2018.